Seguridad, kapayapaan at kaayusan ang pangunahing prayoridad ni BGEN Edgar L. Catu, bagong commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division.
Sa panayam ng Star FM Cotabato, iginiit ni BGEN Catu na magkakaugnay ang tatlong ito at hindi maaaring paghiwa-hiwalayin dahil hindi makakamit ang kapayapaan kung walang seguridad.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at stakeholder upang makamit ang mga layuning ito.
Dagdag pa nya, kailangang magsimula sa bawat isa ang pagsisikap para sa kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

















