Hiniling ng Iran sa United Nations na kondenahin ang naval blockade ng United States at igiit ang agarang pagtigil sa mga hakbang-militar laban sa kanilang bansa.

Sa liham ni Iran’s Ambassador to the UN na si Gholamhossein Darzi, iginiit nitong labag sa international law at UN Charter ang pagharang ng US sa mga rutang pandagat na may kaugnayan sa Iran.

Nanawagan din ang Iran sa UN na hilingin sa Washington na itigil ang umano’y agresyong militar at alisin ang maritime blockade.

Iginiit din ng Tehran na dapat panagutin ang US sa mga hakbang na anila’y lumalabag sa mga pandaigdigang tuntunin.