Nagsama sa isang performance ang tinaguriang King of Moro Song na si Khomeini Camsa Bansuan at international rapper na si Apl.de.Ap ng grupong Black Eyed Peas para sa awiting “Pinoy United.”
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Bansuan ang kanyang kasiyahan at karangalan sa pakikipag-duet kay Apl.de.Ap, na nagtatampok ng mensahe ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahalan sa kabila ng pagkakaiba sa kultura at relihiyon.
Matapos ang kanilang pagtatanghal, nag-guesting din ang dalawa sa GMA Kapuso Barangay LS FM 91.1.

















