Nakiisa ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office (MDS PPO) sa programang naglalayong isulong ang mapayapang pagresolba sa mga sigalot sa lupa ng mga katutubo sa pamamagitan ng diyalogo at tradisyunal na sistema ng hustisya sa Nangi, South Upi, Maguindanao del Norte.

Tampok sa aktibidad ang Timuay Justice and Governance (TJG) Program at ang Traditional Land Dispute Adjudication and Claims (TLADC) process, na naglalayong palakasin ang pag-uusap, hustisya, at mapayapang pagresolba sa mga alitan sa lupa.

Dinaluhan din ang aktibidad ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Secretary at Chairperson Hon. Nancy A. Catamco bilang panauhing pandangal, habang pinangunahan naman ni South Upi Mayor Hon. Helen Benito-Padua ang pagho-host ng programa.

Ayon sa MDS PPO, mahalaga ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan, kapulisan, tradisyunal na lider, at mga komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pagsusulong ng karapatan ng mga katutubo at inklusibong pamamahala.