Aabot na sa 34,000 na pamilya ang apektado ngayon ng pagbaha dulot ng Bagyong Ferdie sa lalawigan ng Maguindanao del Sur base sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Walumput siyam (89) mula sa labing apat (14) na bayan sa lalawigan ang nalubog sa baha kung saan ang bayan ng Mamasapano ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga apektadong residente.

Tiniyak naman ng MagSur PDRRMO na handa ang provincial evacuation center kung sakaling kailanganin ito.

Photo credits to Living Earth Official FB Page.