Umakyat na sa ikalawang pagbasa ng BTA Parliament ang mga batas na nagaamiyenda sa Seksyon Lima ng Bangsamoro Autonomy Act Numbers 53,54 at 55 na unang naideklarang labag sa batas ng Korte Suprema.
Ang pag-aamiyenda dito ay bilang tugon sa desisyon ng Korte Suprema at upang maisulong pa rin ang plebesito na isasagawa sa mga bagong tatag na bayan.
Sa pagpapatuloy ng ikatlong regular na sesyon ng BTA kahapon, idinulog na sa Kumite sa Amendments at Kumite sa Lokal na Pamahalaan ang nasabing panukala.
Kapag naisabatas ang panukala, papahintulutan na ang mga botante sa mga Mother Municipality ng bawat itatatag na bayan na makalahok sa plebesito salungat sa naunang probisyon na tanging mga botante lamang ng itatatag na bayan ang makakaboto.
Dahil dito, hinimok ni Deputy Speaker Atty. Lanang Ali, Jr. ang mga kapwa nito mambabatas na suportahan ang pagsasabatas ng panukala para sa inklusyon at pag-unlad ng mga komunidad sa rehiyon.