Malungkot na trahedya ang sinapit ng mga magsasaka sa Bayombong sa lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos na daan-daang kilo ng kamatis ang itinapon na lamang sa gilid ng kalsada at pinupulot na lamang ng mga motorista upang mapakinabangan.
Sa viral post ni Freddie Maglalan sa kanyang Facebook, kita ang daan-daang kamatis na hinayaan na lamang na mabulok ng mga magsasaka nito kaya marami tuloy ang napatanong na netizens kung nasaan na ang mga magagaling na pulitiko ng bansa na nangakong magiging prayoridad nila ang pagsasaka at maging ang mga mag-uuma.
Isang netizen din ang nanawagan sa Kagawaran ng Pagsasaka o DA na wag magpapogi at umaksyon kaagad upang maiwasan ang pagsasayang ng mga aning produksyon ng ating mga magsasaka.