Sumuko sa isinagawang Oplan Civet ng Sultan Kudarat PNP ang dalawa (2) na dating miyembto ng komunistang terrorista na grupo sa Barangay Midtungok Sen. Ninoy Aquino, Sulran Kudarat.

Kinilala ng Regional Mobile Force Batallion 12 ang mga sumuko na sina alyas Bunso, 37 anyos, magsasaka na taga Davao Sur at dating kumander ng Platoon Samsung ng Front Musa ng Far South Mindanao Region ng CTG at kasama nito na si alyas Aldrin, 52 at misyonaryo ng isang religious group na taga bayan ng Polomolok, South Cotabato at Political Instructor ng Cdating Platoon Myphone, Front Daguma Guerilla Front 73 ng FSMR.

Ayon kay RMFB 12 OIC Lt. Col. Roy Rumualdo, sinuko rin ng dalawa ang ibat ibang uri ng baril maging mga magasin at bala at mga subersibong dokumento ng rebeldeng grupo na kanilang kinaaniban.

Ikinustodiya naman ng RMFB 12 sa kanilang kampo ang dalawa samantalang pinoproseso na rin ng pulisya ang paglakip sa kanila sa E-CLIP ng gobyerno para sa tuloy tuloy na kanilang pagbabagong buhay.