Daang libo na benepisyaryo sa loob at labas ng Bangsamoro Region ang natulungan ng Office of the Chief Minister sa ilalim ng special na proyekto nitong tinawag na Project Tabang.

Sa impormasyon na mula sa Project Tabang, mula bwan ng Enero hanggang nakalipas na Agosto, humigit kumulang na sa 62 thousand ang kanilang natulungan pagdating sa health services samantalang 155,121 naman ang natulungan ng proyekto sa kanilang humanitarian response and services.

320 naman na mga kooperatiba na may 16,300 na mga kamay-ari ang kanilang natulungan naman sa farm machineries, fishing boats, treshers, transplanters maging sa mga binhi.