Hindi na aniya makikisama sa panawagan ng ilang mambabatas sa rehiyon ang UBJP o United Bangsamoro Justice Party na siyang political wing ng MILF na ireschedule ang pagsasagawa ng unang halalang parliamentaryo sa Mayo 12 ng susunod na taon.
Ayon kay UBJP President at Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na nais nilang matuloy ang halalan sa 2025 alinsunod sa suhestiyon ni Pangulong Bongbong Marcos na mas mainam na mahalal ang mga ito kaysa maitalaga.
Aniya, hindi na sila nakikiisa sa mga panawagan na ito bagkus nanawagan sila na suportahan ang partido upang masiguro ang pagpapatuloy ng magandang nasimulan ng MILF sa BARMM.