Labis na nalungkot ang mga Bangsamoro sa ibinabang desisyon ng kataas-taasang hukuman na nagbubura sa lalawigan ng Sulu sa mapa ng BARMM.
Ito ang naging buod ng mensahe ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa isinagawang pagpupulong at asembliya ng mga miyembro ng MILF sa Camp Darapanan kahapon.
Ayon kay Ebrahim, masakit lamang na maisip na sa mahabang panahon na nakasama sa samahan ang mga taga probinsya ng Sulu sa hirap at ginhawa ng pakikibaka ay hindi pala ito magiging parte ng huli na tinatamasa ng rehiyon.
Gayon pa man, nagpaalala at nagpayo ang Chief Minister na wag magaalala at gagawa sila ng buong remedyo upang maibalik sa rehiyon ang nabanggit na lalawigan.
Isa lamang ito sa mga hamon na lumitaw sa Bangsamoro kung kaya ay hinihikayat ni CM Ebrahim ang lahat na mas lalong palakasin ang sinceridad sa bawat sistema lalo na sa pamahalaan.
Nagugat ang desisyon ng Korte Suprema sa pagkatalo ng botong YES sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa lalawigan noong 2019 plebescite kung saan limamput-apat (54) na porsyento ang humindi sa naturang panukala.