Present sa ikalawang araw ng konsultasyon at pagpupulong ng mga miyembro ng MILF o Moro Islamic Liberation Front si UBJP Secretary General at Maguindanao del Norte Gov. Sammy Gambar Macacua.

Bigo kasi itong makadalo sa unang araw ng pulong sa Kampo Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat dahil galing pa ito ng Maynila upang mag-asikaso ng mga bagay para sa probinsya.

Ginanap ang pagpupulong noong Setyembre 24 sa kampo Darapanan at kasama ni Macacua ang mga miyembro ng sentral na kumite ng MILF at general staff members ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o ang BIAF.