Pinag-aaralan na ngayon ng Comelec Maguindanao Norte katuwang ng pulisya at Philippine Marines ang pagpapasara ng kahabaan ng Governor Gutierrez Avenue, sa lungsod ng Cotabato sa darating na Oktubre 1 hanggang 8, ang araw kung kailan magaganap ang pagsusumite ng Certificates of Candidacy ng mga kandidato para sa Halalan sa darating na 2025.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Mohammad Mutia, hangad nito na maiwasan ang bigat ng trapiko sa lugar bukod pa sa masiguro ang pagiging matiwasay ng buong period ng pagfifile ng mga kandidato ng kanilang COC.
Sa susunod na linggo, inaasahang dadagsain ng mga kandidato sa pagkagubernador at bise gubernador kasama na ang mga Sangguniang Panlalawigan Board Members maging ang mga kongresista na naghahangad magpapili sa halalan 2025 ang COMELEC office sa BARMM Government Center bukod pa sa mga magsusumite ng kanilang kandidatura bilang alkalde, bise alkalde at konsehales ng Lungsod ng Cotabato.
Limang bayan naman din mula sa SGA BARMM ay sa SKCC naman magfifile ng kanilang COC mula sa alkalde, bise alkalde at mga konsehales nito.
Pinaalalahanan naman ni Mutia ang mga kandidato na bukas ang lahat ng tanggapan kahit Sabado at Linggo, mula alas otso ng umaga hanggang matapos ang opisina ng alas singko ng hapon.