Sa layuning makatulong sa mga bagong halal na kasapi ng Parlyamento sa susunod na taon, inilunsad kahapon ng mga kasapi ng BTA Members of Parliament sa pangunguma ni MP Engineer Baintan Ampatuan ang isang libro o ang tinatawag na MP’s Little Green Book.
Ang libro na may naturang pamagat ay iniakda ni MP Ampatuan upang maging giya ng mga unang beses pa lamang na magiging kasapi ng Parliamento.
Naglalaman ito ng mga dokumentasyon na magsisilbing giya mula sa una hanggang sa huling araw ng termino ng isang MP.
Nakasaad naman sa MP ‘s Little Green Book ang nararapat na ginagawa ng isang MP at kung paano naman nito maisasagawa ang kanyang tatlong pangunahing tungkulin at ito ay ang pagbuo ng batas, paano mag over sight, magrekisa ng budget at kung paano nito maitataguyod at makakatawan ang kanyang kinakatawan na sektor o representasyon.