Matagumpay na nakapagsagawa ng Facility Monitoring at Legal Aid Clinic ang Bangsamoro Human Rights Commission sa Basilan Provincial Jail, Sumagdang sa bayan ng Isabela de Basilan.
Layunin ng inisiyatibo na ipalaganap ang pagprotekta sa karapatang pantao sa pasilidad at pagsiguro na magkakaroon ng access sa tulong na legal ang PDL’s o Persons Deprived of Liberty.
Limang abogado naman ang nagkaroon ng chansa na makasali sa naturang aktibidad na syang nagbigay ng oras sa mga PDL at sinagot ang mga tanong nito hinggil sa kanilang kinakaharap na mga asunto.
Parte ng mandato ng BHRC ang free legal clinics para makamit ng mga vulnerable partikular na ang mga PDL’s ang patas na pagtrato sa batas.
Pinasalamatan naman ng BHRC ang mga abogado at mga volunteers sa matagumpay na proyektong ito.