Nakisuyo si Maguindanao Del Norte Police Provincial Director PCol. Sultan Salman Sapal sa mga kandidato at maging tagasuporta nito na hayaang maging maayos ang paghahain ng kandidatura ng kanilang mga sinusuportahan.
Ani Sapal, hindi reunion na kinakailangang lahat ay makadalo ang COC filing at maari namang magpakita ng suporta ang mga ito sa kanilang kandidato kahit di na sila sumama sa lugar ng pagsusumitehan.
Ayon sa COMELEC, PNP maging sa MARINES, nakalatag na aniya ang mga security measures at security plans para sa filing ng COC.
Kabilang sa naging security plan na nasagawa ang pagsasara sa kahabaan ng Governor Gutierrez Avenue kung saan mga kandidato lamang ang papayagan na makalusot sa BGC grounds.
Ang lahat ng mga empleyado sa BARMM ay maari namang dumaan sa likurang bahagi ng grounds subalit dadaan pa rin sa sila mahigpit na pagrekisa upang masiguro na mga lehitimong mangaggawa lamang o may mga aasikasuhin sa loob ng compound ang makakapasok.
Samantala sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte ay nakalatag na rin umano ang plano at mga gagawing pangseguridad para naman sa ikakaayos ng isasagawang COC filing para sa panlalawigan na lebel.
Hinikayat naman nito ang mga kandidato na maging modelo sa kanilang mga tagapagtangkilik at supporters upang maging maayos, mapayapa at matiwasay ang magiging aktibidad sa susunod na linggo.