Sumumpa na sa Partido Federal ng Pilipinas o PFP na siyang partido pulitikal ng Pangulong Marcos ang magasawang sina Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester at One Maguindanao Vice Governor Elect Bai Ainee Sinsuat.

Ginanap ang naturang oath taking ng magasawang Sinsuat sa naganap na Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention sa Maynila.

Mismong si PFP President at South Cotabato Governor Jun Tamayo ang nagpanumpa sa dalawa na sinaksihan naman ni SAP Anton Lagdameo.

PFP ang magsisilbing national political party ng magasawang Sinsuat ngayong halalan 2025.