Ipinasurrender at sinunog ng Diyosesis ng Laoag sa Ilocos Norte ang mga ipinagbabawal at di aprubado diumano na rebulto ng Santo Niño sa kadahilanang hindi ito pinahihintulutan ng Simbahan ng Romano Katoliko.
Kabilang sa mga unapproved o ipinagbabawal na mga rebulto ang mga kagaya ng Sto. Niño na aprubado ngunit may ritual ng mga okultista o occultists, Sto. Niño dela Swerte na nilalagyan ng ibon, ubas o lalagyan ng barya, Sto. Niño de Palaboy, makukulay na uri ng Sto. Niño na may belt at sumbrero, Sto. Niñong hubad at/o may kasamang anting-anting at Sto. Niño dela Sacristan.
Nagbabala nang minsan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o ang CBCP na ang mga ganitong klase ng santo ay acculturado na ng mga pagano, feng shui at occultista na nais nilang maihalo at dahil sa mas madali nila itong maibenta.
Ayon sa mga exorcists, ito ay infestations of the sacramentals diumano ngunit kadalang binabasbasan pa rin ng ibang mga pari dahil sila mismo ay hindi pa gaanong eksperto sa exorcism at spiritual warfare.
Ang mga aprubadong rebulto lamang ng Sto. Niño ay ang mga benerandong Niño na makikita sa mga parokya ng Cebu at Praga maging ang Niño na may Globo, Scepter at Korona.
Ang mga nabanggit na ipinagbabawal sa itaas ng Simbahang Katoliko ay nakasalig sa CCC 2318 na nagsasabing “Superstition is a departure from the worship that we give to the true God. It is manifested in idolatry, as well as in various forms of divination and magic.”
Angelsorsis ng Diosesis ng Laoag na si Rev. Fr. Danilo Devaras at ang katuwang naman nito na case officer na si Bro. Fernando Pascual ay patuloy na nangangalap ng mga unapproved images mula sa mga Romano Katoliko.