“Your pain is ours..” sabay giit nito na magtatrabaho pa rin ng buong puso upang masiguro na ang pagkakabura ng Sulu sa BARMM ay di maging permanenteng realidad.
Ito ang mensahe ni BTA MP at kasalukuyang bise presidente ng Partidong UBJP para sa ZamBaSulta na si MP Matarul Estino hinggil sa naging desisyon ng kataas-taasang hukumang naghihiwalay sa lalawigan ng Sulu sa BARMM region.
Binigyang diin ni MP Estino ang labis na kalungkutan nito hindi lamang sa kahalagahan ng Sulu sa kasaysayan ng Bangsamoro kundi pati ang epekto nito sa mga residente sa lalawigan.
Ipinaabot din ni MP Estino ang pakikiisa at suporta ng buong BARMM Government sa sentimyento at nararamdaman ng mga taga Sulu sabay bitiw nito ng pangako na patuloy ang mga ito na magsusumikap upang hindi magtagal ang epekto ng nasabing desisyon.
Ayon sa mambabatas, sa pagkakaisa at determinasyion ng bawat isa ay mananatiling buo ang pagkakakilanlan ng bawat Bangsamoto at hindi ito magugunaw ng kahit anuman na hakbanging legal.
Kaugnay naman nito, sa kabila ng hamon na hinaharap ng libo libong empleyado ng BARMM sa Sulu, naging matagumpay naman ang pakikipagtulungan ng BARMM sa nasyonal at nag deklara ang Department of Budget and Management o DBM na tuloy ang pagawain at mga pasabod ng BARMM sa Sulu hanggat di pa pinal ang desisyon ng korte suprema hinggil dito.