Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang lalaki sa ilog na sakop ng Sitio Sta. Cruz sa Poblacion sa bayan ng Makilala Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Gaudencio Ando na kilala sa alyas na Edi, 50 at walang asawa na taga Luayon ng nasabing bayan at nalipat sa Poblacion simula nuong lumindol, taong 2019.

Nabatid sa impormasyong nakalap Star FM Cotabato na noong gabi pa aniya ng sabado nawawala ang biktima na pinaghihinalaang lasing ng umalis sa bahay patungong New Cebu kung saan ito uminom.

Pinigilan pa aniya itong umalis ngunit hindi nagpasaway ang mama at umalis pa rin ito. Posibleng nadulas si Edi dahilan upang anurin at malunod ito sa ilog.

Nangangamoy na ito ng matagpuan sa bato ng ilog na may layong 3 kilometro mula sa posibleng pinanggalingan nito.

Dinala na sa funeral parlor ang nasabing bangkay upang mabigyan ng katahimikan ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng isang disenteng libing.