Ikinalugod ng United Bangsamoro Justice Party o ng UBJP ang pagkakaapruba ng partido bilamg kaunaunahang Regional Parliamentary Political Party.
Ito ay matapos na maaprubahan ng COMELEC ang petisyon nitong makapagparehistro at maging accredited. Dahil dito, opisyal nang kinikilala ng komisyon ang UBJP bilang RPPP na lalahok sa kaunaunahang eleksyon pang parliamentaryo sa rehiyon sa darating na Mayo 2025.
Sa naging pahayag ng UBJP, ikinasiya nito ang desisyon ng poll body sabay pahayag nito na tuloy na tuloy na aniya ang paglahok ng UBJP para sa halalan 2025.
Unanimous ang naging pag-apruba ng komisyon sa pangunguna ni COMELEC Chairman George Garcia kasama ang anim na komisyoner ng en banc sa naturang petisyon.
Samantala, mas pinag-ibayo naman ng partido ang kanilang paghahanda para sa kanilang mga aktibidad at kampanya upang maiprisenta sa taumbayan ang kanilang sinseridad at layuning nagkakaisa, mapayapa at progresibong pamamahala sa rehiyong Bangsamoro.