Isinagawa kahapon, Huwebes bilang paghahanda sa darating na The Vote 2025 ang konsultatibong pagpupulong para sa mga lokal na kandidato sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Dumating sa pagpupulong ang mga opisyal maging mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front, mga traditional leaders at mga opisyales ng UBJP.
Layunin ng pagpupulomg ang pagpapalakas pa ng ugnayan ng mga kandidato sa partido mula sa ibat ibang munisipalidad sa Maguindanao del Sur.
Tinalakay din sa pulong ang mga isyu at hamon na maaring sagupain ng partido sa rehiyin habang pinapanatili nito ang tunay na prinsipyo o genuine principles at mga magagandang layunin ng partido sa kanilang mga hangarin para sa Bangsamoro.