Patay ang isang lalaking kinilalang si Jomar Omar Dilangalen Panday, residente ng Brgy., Bualan, SGA-BARMM matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na suspek nitong hapon ng Biyernes. October 04, 2024.

Ayon sa inisyal na ulat, lulan ng motorsiklo ang biktimang si Jomar kasama ang misis nito nang pagdating ng dalawa sa isang lugar ay dito na tyumempo ang riding-in-tandem upang targetin ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala si Jomar sa kanyang likuran at nagawa pang maisugod sa ospital pero kaulana’y binawian rin ng buhay.

Napag-alaman naman na isang escort ang biktima sa kilalang personahe na may karido.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng Pikit Municipal Police Station at ng kasundaluhan sa ikadarakip ng suspek.