Hindi aniya nababasta basta ang pagtatanggal ng mga empleyadong kontraktual o Job Hires sa pamahalaang lungsod. Sa naging FB live ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao inilatag nito ang dalawang dahilan kung bakit may natatanggal, una kung hindi na kailangan ang serbisyo ng empleyado at ikalawa naman ay kung may derilection of duty o pagpapabaya sa tungkulin ang isang contract of service employee.
Matapang naman na hinamon ng alkalde na maglabas ng hustong ebidensya ang nagaakusa sa kanya ng nasabing akusasyon. Binigyang diin naman ng alkalde at paulit ulit nitong sinasabi na hindi nagtatanggal ng empleyado ang pamahalaang siyudad ng walang sapat na batayan o compelling reason.
Ang lahat ng ito ay tila bagang ipinagkibit balikat ng alkalde sabay sabi nito na batid nya aniyang ang mga nagaakusa sa kanya nito ay may pakay na sirain ang kanyang administrasyon maging sya rin mismo. Aniya, wala na dapat ang mga Contract of Service employees na nadatnan daw nito sa pagupo nito noong 2022 kung pinagtatatanggal niya ito.
Panghuling sambit ng alkalde, kung may mga nawala man sa kanilang trabaho, ito ay sa dahilang ito ay kusang umalis at may ilan naman na hindi na talaga bumalik pa para harapin ang kanilang obligasyon o irenew ang kanilang kontrata.