Sa hinaba haba ng proseso, nakumpleto na ang grupo.
Ganito ang ipinahiwatig ng FB post ng Tatak Guiani na pinamamahalaan ng Team Guiani ni dating Mayor at Mayoralty Aspirant Atty. Cynthia Guiani Sayadi at Incumbent Councilor at ngayon ay Vice Mayoralty Candidate Japal “Jayjay” Guiani III.
Nabuo nila ang naturang grupo buwan matapos ang konsultasyon sa lahat ng sektor sa lungsod.
Maging ang filing ng kanilang COC ay hindi naging magarbo dahil mas pinili ng grupo na by representative ito ifile. Pinangasiwaan ni Atty. Jarissa Guiani ang nasabing pagfifile by representation ng mga nasabing COC’s.
Ayon pa sa grupo, ang kanilang linya ay binubuo ng may mga karanasan, kakayahan at katapatan sa bayan at ito ang kanilang mga pambato sa pagbabantay at pagtingin sa pagasenso ng mga Cotabateño.
Kabilang sa Team Guiani ng Nationalist Peoples Coalition ang mga konsehales na sina Drs Danda Juanday at Ed Rabago, Romeo Lidasan, Henry Macion, Sukarno Utto, Hervy Emberga, Dumugkao Mangeken, Ostoy Sekak, Moksal Amin Lokua at si SK Chairman Shamir Santiago.
Sa huli, nagpasalamat naman ang kampo ng dating alkalde sa mataos pusong suporta at pagtitiwala ng mamamayan sa grupo at sa pagnanais nito na makabalik ang Tatak Guiani na serbisyo.