Ngayong araw na matatapos ang isang linggong filing ng Certificate of Candidacy o COC sa buong bansa kung kayat binigyang direktiba ni Chief PNP General Rommel Marbil ang lahat ng kapulisan na paigtingin ang kanilang pagbabantay laban sa mga armadong grupo na mananamantala sa maayos na pagsasagawa ng halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Marbil, sa ganitong panahon umiinit ang sitwasyon kung kayat inatasan na nito ang lahat ng PNP units na maging vigilante at maging mapagmatyag sa mga area of responsibility nito lalo na ang mga tinaguriang election hotspots kung saan ay grabe o malala ang girian.
Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, mag coconcentrate ang PNP sa mga lugar na mayroong tala o kasaysayan ng mga election related violence o insidente na may kinalaman sa eleksyon at mas lalo nilang paiigtingin ang mga checkpoints, intelligence monitoring maging ang police visibility sa mga lugar.
Dagdag pa ni Marbil, masusi rkn nilang babantayan ang mga rehiyon na may mga naitatala na aktibidad ng mga armado at masasamang elemento.
Pinaalalahanan din ni Marbil ang mga personahe ng pambansang pulisya na maging neutral o walang panig at gumawa ng mariing pagtutuol sa pagsama sa mga aktibidad pampulitika dahil may parusa itong katapat.
Nanawagan naman si Marbil sa taumbayan na makipagtulungan sa kapulisan para sa mapayapa, katanggap tanggap at maayos na halalan sa susunod na taon.