Nagfile na ng kanilang kandidatura ang mag-amang sina Incumbent Mayor Sumulong Sultan na tatakbo bilang bise alkalde at ang anak nito na si incumbent Vice Mayor Muhyryn Sultan Casi na papalit bilang alkalde sa kanyang ama.

Kasama ang mga konsehales, tumulak ang mag-ama papuntang COMELEC PIKIT office para magsumite ng kanilang mga papeles.

Inestima naman sila ng election officials ng naturang tanggapan at naging maayos naman ang filing ng mag-ama.