Nagpalabas ng mensahe si United Bangsamoro Justice Party Secretary General at Maguindanao Del Norte Governor Sammy Almansoor Macacua hinggil sa nangyari noong Oktubre 6 sa isang hotel sa Davao City kung saan nagkaroon ng pagkakasundo at pagkakaisa ang mga pamilya pulitikal sa Maguindanao Del Norte at Sur.

Ani Macacua, ang naging pulong ay sinaksihan mismo nina UBJP President at CM Ahod Ebrahim, sya bilang gobernador ng MagNorte at sina SAP Anton Lagdameo at PFP President at South Cotabato Governor Jun Tamayo.

Present din sa nasabing pulong sina MINDA Chairman Leo Tereso Magno, Sec. Nasser Pangandaman at OPAPRU Usec Jordan Bayan.

Ayon sa gobernador, sa simula pa lamang ng proseso at kasama na sina Sultan Kudarat Mayor Daru Tucao Mastura maging ang Datu sa Talayan Kagi Ali Midtimbang kung kayat di totoo ang haka hakang siya ang punot dulo ng gulo sa takbo ng pulitika.

Sinunod lamang aniya ng mga ito ang nais ng palasyo at ito ay mapagkaisa ang pamilya at maging matagumpay ang hangarin ng pagkakaisa sa dalawang probinsya.

Nagpasalamat naman si Macacua sa mga humihimok dito na tumakbo at ito lamang daw ay pagpapatotoo ng suporta at tiwala nila sa gobernador.

Sa huli, nagpasalamat naman si Macacua sa mga dumalo noong nakaraang linggo sa pagtitipon at idiniin nito ang pagindorso at pagsuporta kay Mastura at Midtimbang.