Balak ngayon ng BARMM Government na magsagawa ng legal remedies na magbibigay leksyon sa mga naninira sa gobyernong Bangsamoro.
Sa kalatas na mismong pirmado ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, pinabulaanan nito na may kurapsyon na nagaganap sa mismong bakuran nito.
Maituturing aniya ito na chismis na nais sirain ang malinis na imahe ng administrasyon at wala namang sapat na ebidensya.
Gayunman, hinikayat ni Ebrahim ang lahat na wag nang magsagawa ng mga aktibidad na maaring makasira sa bawat isa at magkaisa lalo’t papalapit na ang halalan.
Dagdag pa nito, puro, seryoso at sinsero ang gobyernong Bangsamoro sa paglilingkod at ito ay nakabatay sa moral governance at pamamaraan ng pamamahala.