Sasabak na rin sa magulong mundo ng pulitika ang dating kalihim ng DENR ARMM na si Hadji Kahal Kedtag sa unang distrito ng Maguindanao del Sur bilang isang Sangguniang Panlalawigan Board Member.
Tututukan aniya ng dating kalihin ang mga programang pangkalikasan at irigasyon dahil sayang aniya ang potensyal sa pagproproduce ng bigas sa probinsya dahil sa kawalan ng mga pasilidad sa irigasyon na siyang kailangan ng mga maguuma.
Palalakasin din ni Kedtag ang Solid Waste Management at Waterways program na iiwas sa pagbaha sa lalawigan.
Ang dating kalihim ay nakalinya sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party sa lalawigan sa pangunguna ng Datu sa Talayan Ali Midtimbang bilang governatorial aspirant nito.