Napasakamay ng 106th Base Command ng Southern Mindanao Front BIAF- MILF ang tatlong suspetsado sa ipinagbabawal na droga sa bahagi ng Barangay Masulot, bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni 106th Based Command Commander Bruce Antao ang mga suspetsado na si Junail Sabpa Abusama alyas Bonny na nakatira sa nasabing bayan at sina Alyas Bisaya at Marvin Mamalias na residente naman sa lungsod ng General Santos.

Ayon sa kumander, ipinapatupad nila ang bagansya o curfew hours sa kanilang AOR ng mamamataan nila ang tatlo na may suspetsadong ikinikilos.

Ipinagutos naman nito ang pagberepika sa tatlo at naaktuhan na nagbabatak ng shabu ang tatlo sa kanilang sasakyan.

Nakuha naman sa mga suspek ang mga drug paraphernalias, disposable lighter at pakete ng shabu na di pa mabatid ang halaga.

Agad naman nila na ikinustodiya ang tatlo sa kanilang kampo at nakipagugnayan agad ang BIAF-MILF sa Joint Peace and Security Team para sa proper turn-over nito sa pulisya upang masampahan ito ng kaukulang asunto.

Samantala, hinamon naman ni Commander Bruce ang sakop nitong Brigade at Batallion Commanders na magsanib pwersa sa pagsawata ng iligal na droga sa kanilang lugar kahit sino o anupaman ang kanilang mabangga.