Matinding baha ang inabot ng bayan ng Pikit sa North Cotabato bunsod ng walang tigil na pagulan.

Dahil dito, aabot sa 500 na pamilya ang inilikas patungo sa ligtas na lugar.

Inilagay na sa state of calamity ang bayan at nagpapatuloy naman ang rescue and relief efforts sa mga apektadong baryo kabilang na ang Barangay Fort Pikit na lubhang tinamaan ng baha.

Maraming imprastraktura kabilang na ang kalsada maging ang mga sakahan at mga pananim ang napinsala.

Patuloy naman sa pagbabantay ang lokal na pamahalaan maging ang mga autoridad dahil inaasahan pang magpapatuloy ang masungit na lagay ng panahon.