Pinarangalan at kinilala ng Department of Labor and Employment 23 ang mga benepisyaryo ng kanilang mga programang pangkabuhayan na napagtagumpayan at napalago ang naibigay sa kanilang tulong ng ahensya.
Isinagawa ito sa taunang Araw ng Parangal o Regional Kabuhayan Awards sa lungsod ng Koronadal.
Kabilang sa mga kinilala sa indibdwal na kategorya bilang Best Dole Assisted Livelihood Project si Victorino Torres, Jr na taga Kidapawan na napalago ang kanyang furniture shop business habang wagi naman sa kategoryang panggrupo ang Gensan Fishport Topdown Drivers Marketing Cooperative sa tagumpay ng kanilang salt, styrofoam at fish cellophane selling business.
Pinarangalan din ng ahensya ang mga LGU maging NGO’s na malaki ang naitulong sa kanilang livelihood programs kasama na ang Pigcauayan, Cotabato LGU para sa Best Local Government Unit dahil sa natatangi at maayos nitong pagpapatupad ng DILP o Dole Integrated Livelihood Program habang sa NGO naman ay pinarangalan ang OND Hessed Foundation dahil sa ito ay co partner ng ahensya sa community empowerment.
Ayon kay DOLE 12 Assistant RD Fatima Bataga, inaasahan nila na ang mga pinarangalan ay hihikayat at kukumbinse din sa iba pang mga mamamayan o kumunidad na makapagtatag ng munting kabuhayan para makatulong sa pagunlad ng ekonomiya at ng rehiyon.