Nakikiusap at tila ay nagsusumamo si Member of the Parliament Atty. Suharto Teng Ambolodto, MNSA sa kumite sa lokal na pamamahala o CLG ng BTA na agad na magpulong at tignan ang malawakang pagterminate sa tatlong libo (3000) na empleyado ng Cotabato City LGU.
Matinding pagkabahala ang ipinahayag ng mambabatas sa mga maaring maging resulta ng pagtatanggal ng libo-libong manggagawa ng lungsod.
Mabilisang aksyon aniya ang kailangang gawin ayon kay MP Teng. Idinagdag pa nito na ang biglang pagtanggal sa mga libo-libong empleyado ay di lang magiging dagok sa lungsod kundi ay magiging dagok din sa serbisyo publiko at lokal na ekonomiya.
Naniniwala naman si MP Ambolodto na nararapat ang kagyat na pagsisiyasat para sa kapakanang pangkalahatan ng lungsod at ng mga apektadong empleyado, paghahatid ng serbisyo maging ang local economy.
Ang naturang pagaapura ay kasunod ng kontrobersiya ng malawakang tanggalan na inihayag mismo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.
Tinukoy bilang dahilan ng mass termination ang kakulangan ng karagdagang budget mula sa Sangguniang Panglungsod na pinasinungalingan naman ni Vice Mayor Butch Abu na nagsabing naglaan na ng pondo ang SP para sa sahod ng mga empleyado.