Kritikal ngayon ang isang mamamahayag na kababaihan matapos itong barilin kagabi sa Barangay Tumaga sa siyudad ng Zamboanga.

Kinilala ang mamamahayag na si Maria Vilma Rodriguez na broadcaster sa E Media Radio sa lungsod.

Ayon sa mga kasamahan ni Rodriguez sa E Media, agaw buhay ang mamamahayag sa natamo nitong mga sugat sa pamamaril.

Naganap lang sa tapat ng kanyang pamamahay ang pamamaril sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa kung sino ang suspek at ano ang motibo ng pamamaril sa mamamahayag na si Rodriguez.