Nakumpleto na ng 250 na trainees ang kanilang pagsasanay mula sa ibat-ibang mga technical vocational skills education training course sa ginanap na seremonyas kahapon, Oktubre 23.
Nagtapos ang mga Tech-voc completers sa ilalim ng programang BSP-TVET o Bangsamoro Scholarship Program Tulong sa Tekbok sa Pagangat ng Bangsamoro sa pamamatnugot ng Technical Education and Skills Development o TESD ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE.
Tumanggap ng sertipiko ng pagkumpleto at training support allowance ang mga nanagumpay at nakapagtapos na maitaguyod ang kanilang higit na tatlumpung araw na pagsasanay at pumasa sa kwalipikasyon tulad ng Computer Systems Servicing NC2, Driving NC2, Electronic Products Assembly and Servicing NC2, Electrical Installation and Maintenance NC2, Photovotaic Systems Installation NC2 at Shielded Metal Arc Welfing NC2.
Sa panayam kay Datu Sacaren Jaafar, ang Chief TESD Specialist at Regional Manpower Development Center Administrator, layunin nila na mabigyan ng oportunidad ang lahat ng mga nangangailangan ng tech-voc skills training na kanilang magagamit sa paghahanap buhay.
Samantala, nagpasalamat naman sa Bangsamoro Government at MBHTE TESD ang mga nagsanay at ngayon ay nanagumpay sa pagiging NC2 holder sa pagkakaroon ng oportunidad na maibigay sa kanila ng libre ang pagsasanay