Naghahanda na ng karampatang ayuda ang Provincial LGU ng Maguindanao del Sur para sa mga pamilya na naapektuhan ng bagyong si Kristine.
Kabilang sa mga ihahatid ng PLGU ag mga family foodpacks, hygiene kits maging sleeping kits.
Ipapamahagi nila ang mga kits sa aabot sa 41,426 na pamilyang apektado mula sa 12 na bayan ng probinsya na may 102 barangays.
Kabilang na sa mga ito ay Datu Hoffer, Paglat, Pandag, Datu Saudi Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, Sultan sa Barongis, Guindulungan, Talayan, Datu Anggal Midtimbang, Mamasapano at Shariff Saydona Mustapha.
Ayon sa hepe ng Maguindanao Sur PDRMMO Operations na si Tim Ambolodto, tila tested na ang probinsya sa mga nagdaang ubos at mga sakuna kaya naman natuto na sila na maghanda at iwasan ito.
Dagdag pa ng opisyal, nagiging tagasalo o catchbasin ng tubig baha ang probinsya mula sa mga nakapaligid nitong kabundukan at katabing mga probinsya kagaya ng North Cotabato at Sultan Kudarat.