Naging matagumpay ang State of the Barangay Address ng Rosary Heights 4 sa lungsod ng Cotabato sa pangunguna ni Kapitana Mojahida Kap Barrakah Omar-Abrasado nitong weekend.

Nilahad nito ang natamong tagumpay ng Barangay sa loob ng isang taong panunungkulan nito. Ipinagmalaki nito ang pagbabagong nagawa nito sa Barangay na mula sa madumi at tambak ang basura ay naging malinis at maipagmamalaki na ng lahat.

Inilatag din nito ang 6 na milyong annual budget na inilaang pundo para sa barangay.

Kaniya ring isinwalat ang pagpapaigting sa kapayapaan at kaayusan, pagsawata sa iligal na droga, pagdeclogging sa mga kanal, kalusugan, edukasyon, pabahay sa mga mahihirap nitong residente at marami pang iba Binigyang katwiran ni Kap Barrakah na mula sa binabaha noon ay mabilis nang nakabangon ang RH-4 dahil sa bayanihan ng komunidad nito.

Present sa nasabing SOBA ang mga opisyales ng City LGU, MILG, PNP CCPO, mga kapitan ng lungsod, supporters, grupo at iba pa.