Laya na mula sa kulungan ng kapulisan ang 21 na katao na umano ay miyembro ng armed lawless group na naaresto ng militar sa bayan ng Aleosan, Cotabato noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ito ni Atty. Allanudin Hassan na siyang kumakatawan sa mga inaresto. Aniya, nakipagusap ito buong maghapon sa mga otoridad ng PNP at iginiit nito na ilang araw na ang nakalipas mula ng maaresto ang mga ito ngunit walang kalinawan ang kaso.

Dahil dito, hiniling ni Hassan ang pagpapalaya sa mga ito at gawin na lamang ang regular na filing ng kaso laban sa mga ito.

Itinanggi din ni Atty. Hassan ang mga bintang ng kapulisan laban naman sa 21. Sinasabi sa ulat na tauhan diumano ni Kumander RP, Brigade Commander sa ilalim ng 105th Base Command Central Mindanao Front ng BIAF MILF ang mga nahuli.