Nagsisimula nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak at kandila kung kailan malapit na ang paggunita ng araw ng mga patay o Undas.

Sa pag-iikot ng Star FM Cotabato News Team, ang pinakamurang bulaklak na nagkakahalaga ng 100 pesos habang ang presyo naman ng mamahalin ay aabot sa 1000 piso.

Sa kandila naman, aabot ng 10 hanggang 50 ang pinakamahal at ang iba naman na may glass cover o stante ay aabot ng 100 pesos pataas.

Inaasahan namang magbabago aniya ang presyo nito sa araw ng Nobyembre 1 at 2 na mga araw ng paggunita ng undas.