Nagsagawa ng Management Committee o Mancomm meeting ang mga opisyal ng Ministry of Labor and Employment -BARMM sa isang bahay tipanan sa lungsod ng Cotabato noong Oktubre 22.
Pangunahing tinalakay sa pagpupulong kasama si MOLE Minister Muslimin Sema ang pag-unlad ng ibat ibang mga programa at mga hakbangin na naglalayong mapaigi ang mga oportunidad, karapatan at proteksyong panlipunan sa paggawa sa rehiyon.
Sinuri naman ng mga dumalo ang katayuan o estado ng mga kasalukuyang proyekto, itinampok ang mga tagumpay at tinugunan ang mga hamong kaakibat nito upang matiyak ang mahusay at epektibong paghahatid serbisyo.
Binigyang pagdiriin ni Labor Minister Bapa Mus ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at pananagutan sa pagkamit ng mg layuning hangad ng ministeryo para sa taon sabay himok naman sa mga kapwa nito empleyado ng MOLE na ipagpatuloy ang pagsisikap, dedikasyon na idinidiin na ang tagumpay ng ahensya ay nakasalalay sa sama samang pangako ng paglilingkod sa mga Bangsamoro.
Nagtapos ng matagumpay ang pulong at nagkaroon ng panibagong pangako na pahuhusayin pa ang mga inisiyatiba ng ahensya na tinitiyak na ang mga serbisyo sa paggawa at trabaho ay epektibong makakarating sa bawat lugar ng rehiyon.