Tumanggap ng ayudang pinansyal na may halagang tig (P15,000) labinlimang libong piso ang (80) walumpung benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD sa lungsod.

Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng tanggapan ni MP Romeo K. Sema na kung saan isinagawa ang pay-out kahapon sa Human Development Multipurpose Center sa Barangay Poblacion 8, Cotabato City.

Ayon sa opisyal, naisakatuparan ang naturang proyekto sa pamamagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Usec Alan Tanjusay maging ang MSSD BARMM sa pangunguna nina Minister MP Raisa Jajurie at ang deputado nito na si Nur-ainee Tan Lim na anak ni MNLF Chairman Nur Misuari.