Mas hinigpitan ang ipinapatupad na seguridad sa ilang mga sementeryo sa lungsod ng Cotabato sa unang araw ng buwan ng nobyembre o ang tinatawag na Undas ngayong taon.
Kapansin pansing iniinspeksyon ng kapulisan ang mga bagahe ng pumupunta para tignan kung may mga ipupuslit ang mga pupunta na ipinagbabawal.
Nagsagawa din ng rerouting ang TEU sa ilang mga kalsada hanggang sa araw ng bukas, Nobyembre 3.
Sa huli, nagpaalala si PLCol. Rowell Zafra ang hepe ng TEU sa publiko na bawal magdala sa loob ng semeteryo ang alak, baril, patalim, baraha at mga maiingay na speakers o maging ang radyo o sound system.