Aabot sa 20 mula sa total na bilang ng 756 na mga tsuper at konduktor ng mga pampasaherong bus at van ang nagpositibo sa isinagawang drugtesting ng PDEA-9 sa ibat ibang lugar ng rehiyon kamakalawa.
Sa pahayag ni Maharani Gadaoni- Tosoc, direktor ng PDEA – 9 na sasailalim sa interbensyong psychosocial ang 20 na mga nagpositibo sa ibat ibang lugar sa Zamboanga Peninsula kaugnay ng naisagawang Oplan Harabas ng ahensya.
Ayon sa direktor, naging malaki ang tulong ng LTO at ng PNP sa kanilang Oplan Harabas testing na kung saan 736 out of 756 drivers at conductors ang naging negatibo sa naturang testing.
Nilalayon ng Oplan Harabas na mailayo sa mga disgrasya ang mga mananakay na bumyahe papunta at pabalik sa rehiyon sa katatapos lamang na Todos Los Santos at araw ng mga patay.