Dumaong na ang isa sa mga maituturing na pinakamalaking barko na unang dumaong sa tala ng gobyernong Bangsamoro. Ayon kay Taib Pandita Abdulaziz ang Chief Operations Services ng freeport, ang barko ay may pangalang Mea Mare na mula pa sa bansang Brazil at may dalang 27,139.50 metriko tonelada ng importadong yellow corn.
Ayon sa kanya, tuloy pa rin ang operasyon ng naturang freeport zone at may mga vessel din na dumadaan via Gensan and Polloc Freeport and vice versa.
Hudyat na daw ito ng unti-unting pagbangon ng freeport at nakikipagsabayan na din aniya sila sa mga malalaking daungan sa bansa.
Maging ang pagkawala ng kotong sa naturang freeport ay ipinagmalaki ng naturang opisyal simula ng maitatag ang gobyernong Bangsamoro.
Samantala, may mga hakbangin na din silang ginagawa upang maibalik ang mga pampasaherong barko mula maynila hanggang siyudad ng Cotabato vice versa.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang opisyal sa pamunuan ng Bangsamoro Government sa kanilang mga pagtulong at suporta sa naturang freeport at ecozone.