Aabot sa 55 na milyong piso na halaga ng mga kumbiskadong shabu at marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency- BARMM sa isang pasilidad, kahapon.

Ayon sa PDEA BARMM, sinunog ang aabot sa walong (8) kilo na iligal na droga sa pamamagitan ng pagsunog gamit ang isang boiler facility sa Barangay Simuay, bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Kasama din sa mga sinunog ng ahensya ang mga expired na gamot na nakumbiska sa mga serye ng tinaguriang sting operations sa rehiyon mula Enero hanggang kasalukuyabg buwan.

Ang pagsira ng mga naturang droga ay alinsunod sa pagiingat o kostodiya at disposisyon ng mga nakumbiskang bawal na gamot sangayon sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.