Nakapaghain na ng kanyang sariling kandidatura si Prince Khalid Aratuc Pembayabaya Tomawis, kahapon ikaapat na araw ng paghahain ng mga COC para sa mga tatakbo sa First Bangsamoro Parliamentary Elections ng rehiyon at sa Maguindanao del Norte.

Sa edad na 27 anyos, hindi na bago sa batang ito ang mundo ng pulitika sapagkat magulang nito sina Barira Mayor Alexander at Buldon Mayor Fatima Ruth Tomawis. Kapatid din ito ni Incumbent Sangguniang Panlalawigan Member Ashley Tomawis. Ang may bahay naman nito na si Atty. Princess Johaira Manalao ay anak naman ni Buldon Vice Mayor Abolais Manalao.

Isa sa mga maituturing na pinakabatang kandidato sa kanyang edad si Prince na naghain ng kanyang kandidatura para sa papalapit na May 12, 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections.

Hindi na rin bago ang naturang mga kandidatong bata sapagkat noong naunang buwan ng Oktubre na filing ng COC’s para sa lokal na mga posisyon, isa si Konsehal Datu Mash Sinsuat ng bayan ng Upi, Maguindanao del Norte ang nag file ng kanyang ikalawang termino sa nasabing posisyon sa edad na 23 anyos.