Ipapamahagi na ng Ministry of Health sa rehiyon ang Health Emergency Allowance na inaasam asam ng mahigit na 4,000 na Bangsamoro Health Workers, simula sa Lunes Nobyembre 11 ng susunod na linggo.
Apat na libo’t tatlong daan na mga mangagawa sa kalusugan sa iba’t-ibang pampubliko at pampribadong pagamutan, klinika maging ang mga health workers sa Regional Office ang makakatanggap ng biyaya ayon kay MP at Ministry of Health Dr. Jojo Sinolinding.
Ayon kay Dr. Sinolinding, inihanda na ng MOH ngayong linggo ang mga dokumento na magpapabilis sa naturang download ng pondo. Covered ng nasabing HEA ang mga essential health at non health workers, regardless of working status noong kasagsagan ng pandemiya kontra Covid 19. Makakatanggap ang bawat isa ng P3,000.00 hanggang P9,000.00 depende sa degree risk ng lugar.
Siniguro naman ng MOH BARMM na makatatanggap ng naturang benepisyo ang mga manggagawa sa kalusugan ng rehiyon at kanya naman itong tututukan ng personal.