Patay ang isang kagawad ng barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato nito lamang weekend.
Ang nasabing kagawad ay aktibo at nakikibahagi sa mga programang nagpapahayag at nagsusulong ng religious and cultural solidarity ng mga kristiano at moro sa buong probinsya.
Magkasamang kinundena nina Kabacan Mayor Evangeline Guzman at Cotabato Governor Lala Mendoza ang pagpatay kay Kagawad Ernesto Bigsang Sr. na kagawad sa Barangay Cuyapon kasabay ng pagalok nito ng pabuya sa sino man ang makakapagturo sa pumatay sa kagawad.
Kilalang walang kalaban, popular at mabait sa kanyang mga constituents at malawak ang naging participasyon sa mga programang pangkapayapaan ng Kabacan LGU ang nasabing kagawad.
Magugunitang sakay sa kanyang bike at papunta sa taniman nito, tinambangan si Bigsang ng mga di kilalang armadong indibidual na agad naman nitong ikinamatay.
Inatasan na ni Gob. Mendoza ang LGU ng Kabacan na tumulong sa pulisya ng agarang malutas ang naturang krimen na ikinasawi ni Bigsang.