Ihanda nyo na ang inyong mga kalooban at bulsa kung mamamalengke kayo sa iba’t-ibang mga talipapa at pamilihan sa lungsod ng Cotabato.
Tumaas ng 80 hanggang 150 pesos ang presyo bawat kilo ng kamatis habang ang sibuyas naman ay pumapalo na sa 150 hanggang 200 pesos ang bawat kilo.
Nang matanong ng Star FM Team ang mga tindera, sinasabi nito na nagmahal na rin ang presyo sa kanilang kinukuhanan ng mga ito kaya wala silang magawa kundi ang magtaas rin ng presyo.
Normal naman at hindi kinakitaan ng pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lungsod kagaya ng karneng manok, gulay at iba pa.
Umani naman ng samu’t saring mga komento at batikos ang naging paggalaw ng presyo ng mga pangsahog sabay hirit ng mga ito sa gobyerno na matugunan ang mga issue sa agrikultura na pumapatay sa mga lokal na magsasaka sa rehiyon.